BLOGMATES
JOURNAL ENTRIES
SITE CREDITS
This site is Reishin's,
images©Couchart,
and©Night Frost,
brushes©Forbiddenfire,
layout made by: Dita
UTF-8
http://cracker23.blogspot.com/feeds/posts/default
audentes fortuna juvat: fil20c
ABOUT ME:
chalkleight
chalkleight
Los Banos, Laguna, Philippines
usually first impression s'kin mataray,masungit and the likes..uhm,sad to say totoo un kc hndi ako msyadong sociable unless there's something in one person that i really like..sbi ng mga close s'kin good listener dw ako but i think im better in ignoring what they are saying pero when i feel n kylangn mo tlga ng mkikinig sau game ako lalo n kung nkakarelate ako s topic mo..'yoko s mga self-proclaimed..those who say a lot 'bout themselves (who cares 'bout them,anyway?) hehehe..trip ko mga humorous kc moody ako..another thing 'bout me is ung temper ko..uhm,it's always at the edge, u knw what i mean..if u nid 2 knw more basahin mo mga testi s'kin kc im sure they say a lot of things 'bout me.. :]
https://www.blogger.com/profile/15896205344583116855
Tuesday, March 25, 2008
fil20c
fil20c
hindi ko na kailangang ulit-ulitin kung gaano ako kapasaway..
after ng bagong bonding namin nina ja,danes at pamy (ang saya nun..yun nga lang medyo kadiri..parang nag-mount ka ng porins..at hindi nama-mount ang porins!!..i mean, not that i know of..), na natapos ng past 12midnight, saka pa lang ako nag-start ng paggawa ng final paper ko sa fil20..10am pa naman kasi ang submission.
nagstart ako ng 12:50am..natapos ng 2:30am..not bad para sa apat na tula..salamat sa mga napaka-inspiring na topics na binigay ni danes..hahaha di ko sya pinatulog hanggang di sya nagbibigay ng topic e.
etong una edited version nung ipinasa namin before..at kanina ko lang napansin may comment pala si sir sa draft ko.."sayang." ayun..
Pinakahihintay
Ako’y binukbok na sa pagkakatayo
Sa aking humuhunang pagkakakabit
Hindi ko masisi ang bisagrang kinakalawang
O ang mga anay na gumagapang
At nanginginain hanggang aking kaloob-looban
Nang kumaripas na ang hanging nangangalit
Buong lakas akong humampas
Dumagundong.
Di na binigyan ng pagkakataong lumangitngit.
Sa aking pagkakakalog, larawang nakasabit sa aki’y lumaban
At nagpilit na di malaglag
Mas naramdaman ko na ang pagtutulakan ng mga anay
Kaunti pa’t malalasap ko na ang pagbagsak.
eto yung mga ginawa ko kagabi..or kanina..whatever..time doesn't matter anyway..
Hindi Masabi
Ang mga salitang nag-uunahang lumabas sa bibig ng aking guro
Ay mga salita lamang, walang laman
Puno ng huwad na karunungan
Hindi marinig ng aking mapaghanap na puso.
Ang mga salitang nagkakalat sa aking paligid
Ay mapanghusga, walang kwenta
Puro mantsa ng kawalang katarungan
Mga salitang nararapat lamang na ibaon sa kawalan.
Ang mga salitang dumadaloy mula sa aking dugo
Patungo sa aking daliri, na iniluluwa ng aking panulat
Ay ang katotohanang pabulong na isinisigaw ng aking pagkatao
Ngunit sa papel, maskara lamang ng lahat ng ito ang matatanto.
Laylayan ng Pantalon
Maayos lamang ako habang bago
Kuskos dito, kuskos doon, yan ang silbi ko
Naiipit sa pagitan ng semento at swelas
Hindi makasigaw sapagkat bibig di na maibukas.
Minsa’y mahigpit ang pagkatupi
Lalo na sa malalaking binti
Pasikip nang pasikip hanggang tuhod
Sakal na sakal, parang malulunod.
Gusot.
Tastas.
Punit.
Kupas.
Huwag lamang tae ng aso ang matitikman
O di kaya’y putik sa daan
Sa aking katabi’y masaya akong makikipag-unahan
‘pagkat ang paghalik ko sa lupa’y isang kadakilaan.
Nose pack
Kaputia’y parang nyebe
Animo’y alak ang pagkaswabe
Likidong galing sa sachet, sa hintuturo’y patuluin
Ipahid sa ibabaw ng ilong, dam’hin
Mala-Elmer’s Glue ang lagkit
Mala-bakal ang lamig
Hayaang matuyo, patigasin
Huwag maiinip, kati ay tiisin
Kapag dalawampung minuto’y natapos na
Simulan sa tabi ang pag-alis sa maskara
Tuklaping dahan-dahan
Parang nagbabalat ng masapan
Ilong na magaspang bago ikinubli
Wala nang blackheads nang ilabas muli.
Palaka
Ang kanyang tiyan at ang aking palad
Kapwa makinis, naglapat
Mula sa kanyang loob ramdam ko bawat pintig
Nanunuot sa akin ang kanyang lamig
Tibok ng puso niya’y kaisa sa aking pulso
Unti-unting giniginaw ang aking dugo
Nang magtangka siyang kumawala
Mga kamay ko’y mas yumakap
Lalo siyang nag-alma
Kapit ng mga daliri ko’y nagbabadya ng hirap.
Walang halik.
Walang luha.
Dinampot ng kanan ko ang karayom
Panganib ang katumbas
Ramdam niya ang aking layon
Mas ninais niyang kumaripas.
Walang pag-ibig.
Walang awa.
Karayom na hawak ko ay sa batok niya itinapat
Itinusok, di na kailangan pa ng hudyat
Pinaikot, mga kamay at paa niya’y napaunat
Kawawang prinsipe, nawalan ng ulirat.