BLOGMATES
JOURNAL ENTRIES
SITE CREDITS
This site is Reishin's,
images©Couchart,
and©Night Frost,
brushes©Forbiddenfire,
layout made by: Dita
UTF-8
http://cracker23.blogspot.com/feeds/posts/default
audentes fortuna juvat: Mansari.
ABOUT ME:
chalkleight
chalkleight
Los Banos, Laguna, Philippines
usually first impression s'kin mataray,masungit and the likes..uhm,sad to say totoo un kc hndi ako msyadong sociable unless there's something in one person that i really like..sbi ng mga close s'kin good listener dw ako but i think im better in ignoring what they are saying pero when i feel n kylangn mo tlga ng mkikinig sau game ako lalo n kung nkakarelate ako s topic mo..'yoko s mga self-proclaimed..those who say a lot 'bout themselves (who cares 'bout them,anyway?) hehehe..trip ko mga humorous kc moody ako..another thing 'bout me is ung temper ko..uhm,it's always at the edge, u knw what i mean..if u nid 2 knw more basahin mo mga testi s'kin kc im sure they say a lot of things 'bout me.. :]
https://www.blogger.com/profile/15896205344583116855
Friday, November 28, 2008
Mansari.
Mansari.
Sa loob ng isang buwan (30 o 31 araw), alam mong marami ka nang pwedeng gawin. Sa sitwasyon mo ngayon, aba di ako makapaniwalang isang buwan ka na rin palang ganyan.
Isang buwan ka nang nagtatrabaho. Sa kabila ng kakulangan mo ng interes sa field na yan (Research) ng field mo (Microbiology), akalain mong isang buwan na ang lumipas..bilib ako sa’yo!
Isang buwan mo nang pinipilit ang sarili mong bumangon nang maaga; humanda sa pagpasok, tumawid sa pedestrian lanes, umakyat sa bus, umupo at tumingin sa labas ng bintana, maghintay ng walong minuto, bumaba at pumunta sa opisina/lab..at hindi ka pa rin sanay??
Isang buwan mo nang tinitiis ang pag-upo maghapon (kapag walang labworks); lampasan ng pare-parehong mukha, tumitig sa kalendaryo at salamin..at walang tigil kang nanghihinayang sa mga oras ng buhay mong alam mong nasasayang, nang wala kang kalaban-laban, dahil naipit ka sa isang nakakabagot na trabaho..kawawa!
Isang buwan mo nang niloloko ang sarili mong gusto mo ang trabahong yan..bingi ka na sa mga sarili mong reklamo..at sawa ka na sa muli’t muli mong panloloko sa sarili mo na ang pagkukunwaring yan ang daan sa iyong tagumpay..gudlak nalang.
Isang buwan mo nang paborito ang 4:50pm dahil yan ang oras ng pag-uwi sa hapon – upang mabigyan ka ng pagkakataong maging mas totoo sa iyong sarili; makakita ng mga taong kasing-edad mo, makipagkwentuhan sa mga kaibigan, magpunta sa mga lugar na mas nakakapagpahinga ka kesa sa sarili mong kama..maramdaman ang kalayaan sa paglalabas ng totoong nararamdaman, maging bata muli sa loob ng kaunting oras bago matulog..at hindi kita masisi.
Isang buwan ka nang windang sa mga kantyaw tungkol sa “totoo” mo raw na rason ng pagpayag na makulong sa lugar na yan..naiintindihan kita, at naiintindihan ko sila.
Isang buwan ka nang nagtatanong sa sarili ng “Tama ba talaga ang desisyon ko?” ..o pinairal mo lang ang tigas ng ulo?
Hanggang kailan ka kaya tatagal?