![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
![]() |
|||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
BLOGMATES
JOURNAL ENTRIES
SITE CREDITS
This site is Reishin's,
images©Couchart,
and©Night Frost,
brushes©Forbiddenfire,
layout made by: Dita
UTF-8
http://cracker23.blogspot.com/feeds/posts/default
audentes fortuna juvat: fifty first dates
ABOUT ME:
chalkleight
chalkleight
Los Banos, Laguna, Philippines
usually first impression s'kin mataray,masungit and the likes..uhm,sad to say totoo un kc hndi ako msyadong sociable unless there's something in one person that i really like..sbi ng mga close s'kin good listener dw ako but i think im better in ignoring what they are saying pero when i feel n kylangn mo tlga ng mkikinig sau game ako lalo n kung nkakarelate ako s topic mo..'yoko s mga self-proclaimed..those who say a lot 'bout themselves (who cares 'bout them,anyway?) hehehe..trip ko mga humorous kc moody ako..another thing 'bout me is ung temper ko..uhm,it's always at the edge, u knw what i mean..if u nid 2 knw more basahin mo mga testi s'kin kc im sure they say a lot of things 'bout me.. :]
https://www.blogger.com/profile/15896205344583116855
Friday, August 29, 2008
fifty first dates
fifty first dates
this is not about that movie..
syempre ako lang lagi ang bida sa mga blog entries ko..kung anu-ano lang tungkol sa'kin..buti nga di pa masyadong nakakasawa..otherwise wala ka nang mababasang entry ko at hindi ka na mag-aabalang pumunta pa sa page na 'to.
sugar rush..hm, wala..napagkatuwaan lang ako kanina sa pinuntahankong birthday celebration..at natuwa rin talaga ako kasi nakapag-bonding kami kahit papano ni glai..miss na miss ko na pala sya..katulad ng pagka-miss ko sa iba ko pang kaibigan na hindi ko na masyadong nabibigyan ng panahon.
yan ang major dilemma ko ngayon..ang babaw..mas pinoproblema ko pa dapat ang acads..pero hindi e..try wearing my shoes and you'll find it very hard on where to go..ayoko talagang may nadi-disappoint dahil hindi ako nakapunta sa dapat na puntahan..ang bilis maubos ng oras ko e.di ko namamalayan, ayan katulad ngayon, inabot na naman pala ako ng curfew..
wala akong nasasabi kundi "sorry, sa sususnod nalang talaga, promise.." ang hirap siguro sa'kin di ko alam kung sinong mga tao ang dapat kong i-prioritize..kadalasan kasi may susulpot nalang dyan na wala naman sa mga plano ko..at hindi ko naman gustong may ipagpalibang pagkakataon..ayun, kaya ako nagkaka-problema..dahil sa mga plano ko..
parang eto: ganitong oras dapat pupunta ako kina ganito at pagkaalis dun e kina ano naman..e sa sobrang na-miss ko si ganito di na ako natuloy kina ano..badtrip 'no??
dapat yata di na 'ko nagpa-plano para walang nasisira.
pero hindi kumpleto ang bag ko nang walang planner..o walang kalendaryo..kahit wala naman talaga akong nasusunod sa mga nakasulat dun..napaka-ironic..well, ganon talaga..
nag-eenjoy nalang ako sa mga matatamis na bagay sa paligid..ayoko na halos isipin ang mga nakapilang dapat puntahan bukas..nakakainis na..sa tatlong invitations sa'kin ngayong gabi, isa lang ang kinaya kong puntahan..bukas may tatlo ulit..malamang dalawa lang ang mapapagbigyan ko..tsk..ako na talaga ang in demand..na-miss..importante..mahal na mahal..haayyy lahat na..kaya eto ako hindi ko alam kung kaninong atensyon ang uunahin kong samantalahin..
ang babaw talaga ng problema ko..i love all my friends..my different sets of friends..up to the point na miss na rin ako ni akr..lagi nalang din nya akong tinetext kung nasan na'ko..waaahhh!! wala na nga akong time mag-grocery e..ganon kahapit ang pag-aaksaya ko ng oras ko..sana may magsesermon sa'kin no??miss ko na pala si papa..hayy
hindi na nga rin ako nakakauwi..pwedeng magkaron nalang ako ng limang astral projections??
bukas, 50 days nalang akong estudyante..hm, bukas pa naman yun..
50 first dates..napasok lang yan sa isip ko kaninang nasa library ako..pumunta ako dun para mag-review dapat..tapos nakipagdadalan lang ako kay edz kasi nagpunta rin sya dun..iniiwasan nya raw kasing magkita kami kasi may exam din sya..at sa lahat daw ng lugar sa elbi, library ang may least na probability na puntahan ko kaya dun sya nagpunta..but no, andun ako..ahaha wala na nga siguro akong bakas ng pagiging ulirang estudyante..marami ngang nag-comment ng "talaga??nag-eexam ka pa pala.."..haayy pati nga ID ko di pa pala validated..at nasaan ang form5 ko??ewan na nga ba sa mga bagay-bagay..
siguro wala na sa sampung tao ang may alam na kahit papano e iniisip ko pa rin naman ang acads..in fact lagi akong may exam..every week..pero halos iisang subject lang lagi..
50 days..konti nalang..mas marami pang mas sensible na bagay ang haharapin ko..kung sa mga kababawan nga na'to e parang natotorete na 'ko, how much more sa mga darating pa??
epistaxis.