BLOGMATES
JOURNAL ENTRIES
SITE CREDITS
This site is Reishin's,
images©Couchart,
and©Night Frost,
brushes©Forbiddenfire,
layout made by: Dita
UTF-8
http://cracker23.blogspot.com/feeds/posts/default
audentes fortuna juvat: isumpa ang mga paimportante
ABOUT ME:
chalkleight
chalkleight
Los Banos, Laguna, Philippines
usually first impression s'kin mataray,masungit and the likes..uhm,sad to say totoo un kc hndi ako msyadong sociable unless there's something in one person that i really like..sbi ng mga close s'kin good listener dw ako but i think im better in ignoring what they are saying pero when i feel n kylangn mo tlga ng mkikinig sau game ako lalo n kung nkakarelate ako s topic mo..'yoko s mga self-proclaimed..those who say a lot 'bout themselves (who cares 'bout them,anyway?) hehehe..trip ko mga humorous kc moody ako..another thing 'bout me is ung temper ko..uhm,it's always at the edge, u knw what i mean..if u nid 2 knw more basahin mo mga testi s'kin kc im sure they say a lot of things 'bout me.. :]
https://www.blogger.com/profile/15896205344583116855
Tuesday, August 26, 2008
isumpa ang mga paimportante
isumpa ang mga paimportante
isang pumupuno ng email inbox ko e mga mail galing kay lina..hindi ko sya kilala..at nagsisi ako tuloy ngayon kung bakit sinunod ko pa ang mga nagpayo sa'kin noon na mag-register sa jobstreet..kainis..ang dami-dami, wala naman akong binabasa nang matino..umiiwas ako sa salitang may kinalaman sa trabaho..pwede ba..hayaan na muna nila akong magpakasaya??
isa pang pumupuno sa email inbox ko ay ang sangkatutak na group messages mula sa kung kani-kanino..argh! I'm sick of reading the same thing.
pinilit kong magising nang maaga..nagigising naman ako pero talagang nakakamatay ang pagbangon..siguradong magkakatumba-tumba ako sa daan 'pag hindi ko pagbibigyan ang sarili kong pindutin ang snooze ng dalawang alarm clocks nang isangdaang ulit..ang sarap tulugan ng panahon..saka nalang ang singilan ng utang na oras..
sa wakas natapos ko na ang mahaba kong journal entry na sinimulan kong isulat nung lunes ng gabi..natapos kaninang umaga..nagulat nga ako nung makita ko ang malaking bawas ng tinta sa ballpen ko..hindi naman ako nagno-notes..or kung oo man, lapis ang ginagamit ko sa notebook..bakit??hahaha intelligent people use pencil..sabi yan ng teacher ko sa journalism1 noon.
pakibasa ulit ng title ng blog entry ko..waahhh!! asar na asar talaga ako sa mga taong kailangan mo munang magmukhang naghahabol para makuha mo ang kelangan mo sa kanila..okay lang naman sa'kin na ako ang mag-effort na humanap, kumontak, etc. kasi nga naman ako ang may kailangan..pero wag naman yung wala akong nakukuhang response.bullshit..bullshit sya,oo..habang naiisip ko ang taong yun e mas umiinit ang ulo ko at mas lumalala ang mga salitang gusto kong isigaw sa harap nya..darn..he's even more pathetic than my score in immunology.
enough..umuusok na yata ako..
haayy..ipagpatuloy..
53 days..yan ang unang reminder na nabasa ko sa cellphone.hayy..oo 53 days nalang..
53 days nalang ang pagkakaroon ng excuse na estudyante pa ako..
gusto ko ang number 53..ngayon ko lang ulit naisip 'to..5-3..shara mae..5+3=8..birthday ko ang may8..ayun..ang alam ko marami pang reason yun e..pero makakalimutin talaga ako.
sana di ko makalimutang magsulat bukas.